Maikling TE DEUM na Tagalog
Sancta Animasola,
Solong liwanag ng Dios Ama,
Ilaw ng Tatlong Persona,
Ako po ay ipag-adya
Amang Kabanal-banalan,
Amang Kalakas-lakasan,
Amang Walang kamatayan,
Ako po ay itangkakal.
Alam ko po Dakilang Ama,
Ako sa iyo'y nagkasala;
Jesus ikaw at di iba
Ang sa aki'y mag-aadya.
Amang Espiritu Santo
Ako po ay sukuban mo,
Ng malabay na pakpak mo
Ng awa mo po't saklolo.
Huwag mo pong ipagkait,
Awa mo po ay ilawit,
Na kamtin ko at masapit :
KALWALHATIAN NG LANGIT
--------------------------------------------------------------
Te Deum, Latin hymn to God the Father and Christ the Son
Halaw mula sa isang librito na ipinamana nang isang espesyal na tao sa akin
Comments
Post a Comment