Agimat para pang negosyo at pang gayuma

Ang ating tinutukoy na Anting ay para sa negosyo itoy mas epektibo kung ang negosyo mo ay tindahan o kaya ay restaurant 

Kapag meron ka nito tiyak na dudumigin ka nang mga parokyano

Ang tinutukoy dito ay ang sanga nang dapdap

Ano nga ba ang dapdap 

Ito ang isang uri nang puno na me scientific name na Erythrina variegata na matatagpuan din dito sa pilipinas,madalas itong makita sa mga tagong baryo o mga lugar na ilang

Pinaniniwalaan nang mga matanda na ang puno nang dapdap ay tahanan nang mga Engkanto o mga lamang lupa,napakadaling malaman kung totoong puno nang dapdap ang iyong nakita dahil pag gabi itoy pinalilibutan nang mga alitaptap na sinasabi nilang gwardya umano nang mga nakatira sa puno na hindi natin nakikita,palatandaan din ang mga alitaptap na buhay at may nakatira sa puno kayat siguradong me bisa ang iyong makukuhang sanga mula dito

Narito ang paraan sa pagkuha nang sanga nito:

Itaon ito sa unang byernes nang buwan, bago pumutol nang sanga nito ay magdasal muna sa poong Lumikha at magpaalam muna sa mga nakatira sa puno ,

Sabihin kung anong pakay mo at hihingi ka nang sanga sa kanila banggitin mo na gagamitin mo ito sa iyong negosyo kaya gabayan ka nawa nila saka ito putulin at wag kakalimutang magpasalamat sa mga nakatira dito

Paraan nang paggamit sa negosyo:

Patuyuin sa araw at ilagay ito sa bungad nang iyong tindahan at tyak patok ang negosyo mo

Paggamit pang gayuma:

Kayasin ang sanga at ilagay sa botelya ,haluan ito nang virgin coconut oil at ilagay sa loob nang botelya ang binilot na puting papel na may pangalan nang nais mong gayumahin

Pinaniniwalaang mas malakas ang gayuma kung buhok nang ninanais mong gayumahin ang ilalagay sa botelya

Marami na ang nakasubok nito at karamihan ay nagtagumpay


Narito ang imahe kung ano ang itsura nang puno nang dapdap




Tandaan lamang na mas epektibo ito kung sa kabutihan ito gagamitin at hindi sa kalokohan o kasamaan

Comments

  1. Salamat bro nakita ko natong kahoy nato nasa bundok to makukuha wala eto sa maynila

    ReplyDelete
  2. Pano kong malayo yung gagayumahin

    ReplyDelete
  3. galaxy watch 3 titanium - TITanium Arts
    galaxy watch 3 titanium. Buy quality products with free nier titanium alloy worldwide shipping and online deals titanium white dominus at our store! Galaxy Watch 3 Titanium titanium lug nuts is titanium nitride coating service near me a 2D-D-16 video game  Rating: 4.5 · ‎3 reviews · ‎$15.99 ecm titanium · ‎In stock

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Orasyon laban sa mga Akyat bahay o magnanakaw

Ano nga ba ang Agimat o Anting Anting?