Ano nga ba ang Agimat o Anting Anting?


                                     Ano nga ba ang Agimat o Anting-anting?


       Sinasabing ang Anting Anting ay paniniwala na nakuha pa natin sa mga sinaunang mga tao dito sa ating bansa dahil hindi pa man tayo nasasakop nang mga kastila ay may sinasamba na tayong mga Bathala,at sa mga katutubo naman ay mga Anito.

ito ay maaring:

*Medalyon kadalasang hinubog sa tanso
*Bato (minsan ay tawag ay mutya)
*Oracion sa ibat ibang wika madalas ay Latin
*Ugat nang puno
*Istampita
*damit na me larawan at guhit
*parte nang buto nang tao tulad nang Tuway tuway (Knee cap)
*itattoo sa katawan




Ang ating mga bayani na lumaban sa mga mananakop ay sinasabing gumamit din nang mga anting anting , Agimat,Bertud, o Galing ilan sa mga sumusunod ay sila:

*Macario Sakay-Nakasuot nang Vest na me mga larawan nang santo at sulat sa wikang Latin
*Emilio Agunaldo- Santisima Trinidad
*Andres Bonifacio-Anting na Santiago de Galicia
*Gen Antonio Luna -Virgen Madre 

ano ano nga ba ang mga galing na pwedeng makamtam mula sa mga Agimat o Anting-Anting?

*Kabal (pagiging makunat nang balat na hindi tinatablan nang anumang matulis na bagay)
*Tagabulag (upang hindi makita o mapansin nang mga kaaway)
*Masuwerte sa negosyo
*Mapaibig o mapabalik ang taong minamahal
*Bigyan nang sakit ang mga nakaaway o me masamang mangyari sa kanila
*Hindi tablan nang bala (Tagaliwas)
*Makausap ang mga sumakabilang buhay
*Makakita nang mga Engkanto,demonyo,duwende,kapre o ano ano pang lamang lupa
*Maging maliksi at Malakas
*Magawa ang hindi kayang gawin nang ordinaryong tao

Paano nga ba makakakuha nang Agimat o Anting anting?

Ito'y maaring :

Bilin sa isang tao at itoy iyong bibigyan nang debosyon at dasal para buhayin
Manahin sa magulang
Manahin mula sa ibang tao
Makita sa mga ilang na lugar tulad nang dagat,ilog,batis o kweba

May mga anting na bigla bigla na lang lilitaw sa iyong paligid at pilit na magpapakuha sa iyo,

Meron din namang anting na mahirap kunin tulad nang mutya nang Puso nang saging dahil kailangan mong mamuhunan nang lakas nang loob at pasensya para makuha ito,

May mga pagkakataon pa na kailangan pang maghukay nang mga libingan para makuha ang kung tawagin ay Tuway Tuway (knee cap) itoy iyong dadasalan at ang mismong nagmamay-ari nito ang iyong magiging gabay

May mga kwento rin na sa mga lamang lupa nakakakuha nang anting anting tulad nang buhok nang tikbalang at yung abo na nanggaling sa tabako nang kapre

Ang isa sa makapangyarihang uri nang Anting ay ang Oraciones o Orasion ito'y salitang Latin na binabanggit at makikita agad ang taglay na Galing nito tulad nang tagabulag,tagaliwas,pangontra sa tigalpo,pag gayuma,cabal,gamutin ang mga sakit pinaniniwalaang malakas ito dahil makapangyarihan ang salitang Latin dahil itoy salita mismo nang mga Deus maari itong ibulong o isulat sa puting papel.

Pinaniniwalaang malakas ang kapangyarihan nang mga agimat o anting anting tuwing Mahal na araw sa mismong Byernes santo ang araw na ginugunita natin ang pagkamatay ni Kristo sa Krus

Kaya madalas ang subukan nang anting tuwing mahal na araw, ito ay pagtitipon nang mga batikang mga antingero mula sa ibat ibang lugar at nagsusubukan kung gaano kalakas ang kanilang mga agimat,itoy kanilang pinababaril,

kumukuha nang mga kutsilyo o itak at itoy hinihiwa sa mga parte nang kanilang katawan,

kumakain nang bubog

madalas na meron nito sa probinsya nang Cavite at Laguna

May mga hangganan din ang mga Anting Anting kumbaga sa depensa ay merong mga blindspot

isang halimbawa na lang ay yung kay Nardong putik sya ay tinambangan nang NBI sa lugar na wala syang matatapakan na putik dahil alam nila na malakas ang kapangyarihan nya pag syay nakatapak sa putik, hindi sya tinatablan nang bala o ano pa mang mga nakakasakit na bagay , at meron din syang mga pagkakataon na bigla biglang nawawala at nakakatakas sa hindi masabing dahilan

Sa panahon ngayon pinagtatawanan na lang nang mga tao ang tungkol dito dahil nasa computer age na tayo,ngunit kahit papano marami pa rin ang naniniwala dito at patuloy na nagaaral para palakasin ang kanilang taglay na Agimat

wala naman masama siguro kung patuloy itong paniniwalaan dahil natural na ito sa ating tradisyon,

ako mismo ay naniniwala at pinagaaralan ang mga ito

siguraduhin lang na ang anting na nais nyong makamtan ay mula sa Totoong Dios lamang at laban sa kasamaan

sa ating susunod na article ay tatalakayin natin ang mga Oraciones

Comments

Popular posts from this blog

Orasyon laban sa mga Akyat bahay o magnanakaw

Agimat para pang negosyo at pang gayuma