Posts

Showing posts from 2019

Agimat para pang negosyo at pang gayuma

Image
Ang ating tinutukoy na Anting ay para sa negosyo itoy mas epektibo kung ang negosyo mo ay tindahan o kaya ay restaurant  Kapag meron ka nito tiyak na dudumigin ka nang mga parokyano Ang tinutukoy dito ay ang sanga nang dapdap Ano nga ba ang dapdap  Ito ang isang uri nang puno na me scientific name na Erythrina variegata na matatagpuan din dito sa pilipinas,madalas itong makita sa mga tagong baryo o mga lugar na ilang Pinaniniwalaan nang mga matanda na ang puno nang dapdap ay tahanan nang mga Engkanto o mga lamang lupa,napakadaling malaman kung totoong puno nang dapdap ang iyong nakita dahil pag gabi itoy pinalilibutan nang mga alitaptap na sinasabi nilang gwardya umano nang mga nakatira sa puno na hindi natin nakikita,palatandaan din ang mga alitaptap na buhay at may nakatira sa puno kayat siguradong me bisa ang iyong makukuhang sanga mula dito Narito ang paraan sa pagkuha nang sanga nito: Itaon ito sa unang byernes nang buwan, bago pumutol nang sanga nito ay magdasal muna sa poong Lum

Tigalpo pangsubsob at makatulog ang isang tao

Upang masubsob ang sinumang tao na naglalakd o kaaway na pasugod sa iyo,ituro lamang siya at iusal ang sumusunod HELELUM ADONAI HELELUM HOC VECIT MEUM ENIM CORPOS LUMAYOS DEI Para makatulog ang isang tao iusal ang salitang ito sa kanyang harapan EGOSUM CRISTUS MULTUS SEDUCEM

Itlog nang gagamba bilang agimat sa sugal lalo na sa sabong

Pwedeng maging agimat ang itlog nang malaking gagamba Mga dapat gawin, Linisin ang itlog at ibilad sa araw, Matapos na itoy ibilad ay lagyan nang virgin coconut oil ang itlog  at muli itong ibilad sa araw upang ito ay matuyo Ibalot ito sa kulay berdeng papel at ilagay sa iyong wallet,,, Magsisilbi itong agimat sa sugal lalo na sa sabong Hindi lahat nang gumagamit nang agimat nang itlog nang gagamba ay ginagapangan nang swerte,sapagkat me mga araw na ang isang gagamba ay nanghihina rin,kaya pag natumbok mo ang araw sa panahon nang panghihina nang gagamba tiyak na ang swerteng inaasam ay pwedeng maudlot kaya pakiramdaman mabuti ang araw na itoy mahina sa panalo Ngunit napakalakas nitong agimat na ito sa sugal lalo na sa sabong basta gamitin mo ito nang tama at wag mag-asam at gamitin nang parang ganid sa pera Halaw mula sa mga akda ni zhalir jaila

Mga Salmo na magagamit sa pagpapasalamat sa Dios mga sakit,aksidente,depensa

Ang mga salmo ay mga awit at mas tiyak na ibig sabihin na mga salita,isa itong awit o hymno na ginagamit sa bahay Dalanginan Palitan ng pulos Kasiyahan ang malukungkot na kaganapan Salmo 16 Nang sa gayon makamtan ang pangaraw araw nanpangangailangan at maiwasan ang mga di kanais nais Salmo 77 Para ilikas ang sarili sa nga negatibong tao,bagay o sitwasyon Salmo 19 Para matakasan ang pagseselos,hinanakit ng puso, inggit at pagbabangayan Salmo 137 Para may pangdepensa sa nga kaaway katunggali , karibal at mga nagbabanta sa iyong buhay Salmo 3,59,70 Kung ikaw ay may sakit o masamang kalusugan Salmo 23,35 38 Para sa pagpapasalamat at sa mabilisang paggaling sa karamdaman Salmo 30 Para sa ikakatahimik at pagbabasbas sa tahanan Salmo 1,128 Para sa suportang ispiritwal dahil aa sobrang kapaguran ng isipan at katawanat pagkakasakit Salmo 3,25,54

Kwento Halaw sa Libreto nang NINO HESUS

Image
Isang maikling kwento mula sa libreto nang NINO HESUS

Sino nga ba si Forneus?

Image

Orasion upang magkasundo at mag ibigan ang magasawa

Image

Orasyon laban sa mga Akyat bahay o magnanakaw

Image
EXE DEUM*      EXE TUUM        SHUM: EXE VAC ---! Sa looban o sa bahay ay dadasalin sa hapon at umaga at sabihing huwag makaalis ang kukuha ng anomang bagay, Kung sakaling nakuha na ay dasalin sa apat na sulok ng mundo at sabihing mapapahamak ang kumuha kung di ibabalik Kung ninanais makakuha nang kumpletong kopya nang aking librito (soft copy) pwede ko syang palimusan sa inyo, Laman nito ay mga orasyon na pwedeng magamit sa pangaraw araw Maaring gamitin panggamot,pangtawas,pangdepensa at kung ano ano pa Ito ay may tatlungput siyam na pahina Walang labis walang kulang na kopya 

Maikling TE DEUM na Tagalog

Image
Sancta Animasola, Solong liwanag ng Dios Ama, Ilaw ng Tatlong Persona, Ako po ay ipag-adya Amang Kabanal-banalan, Amang Kalakas-lakasan, Amang Walang kamatayan, Ako po ay itangkakal. Alam ko po Dakilang Ama, Ako sa iyo'y nagkasala; Jesus ikaw at di iba Ang sa aki'y mag-aadya. Amang Espiritu Santo Ako po ay sukuban mo, Ng malabay na pakpak mo Ng awa mo po't saklolo. Huwag mo pong ipagkait, Awa mo po ay ilawit, Na kamtin ko at masapit : KALWALHATIAN NG LANGIT -------------------------------------------------------------- Te Deum , Latin hymn to God the Father and Christ the Son Halaw mula sa isang librito na ipinamana nang isang espesyal na tao sa akin

Ano nga ba ang Agimat o Anting Anting?

Image
                                     Ano nga ba ang Agimat o Anting-anting?        Sinasabing ang Anting Anting ay paniniwala na nakuha pa natin sa mga sinaunang mga tao dito sa ating bansa dahil hindi pa man tayo nasasakop nang mga kastila ay may sinasamba na tayong mga Bathala,at sa mga katutubo naman ay mga Anito. ito ay maaring: *Medalyon kadalasang hinubog sa tanso *Bato (minsan ay tawag ay mutya) *Oracion sa ibat ibang wika madalas ay Latin *Ugat nang puno *Istampita *damit na me larawan at guhit *parte nang buto nang tao tulad nang Tuway tuway (Knee cap) *itattoo sa katawan Ang ating mga bayani na lumaban sa mga mananakop ay sinasabing gumamit din nang mga anting anting , Agimat,Bertud, o Galing ilan sa mga sumusunod ay sila: *Macario Sakay-Nakasuot nang Vest na me mga larawan nang santo at sulat sa wikang Latin *Emilio Agunaldo- Santisima Trinidad *Andres Bonifacio-Anting na Santiago de Galicia *Gen Antonio Luna -Virgen Madre  ano ano nga ba ang mga